This deserves a blog entry.
I just don't get it. Some people say "tangkilikin ang sariling atin". Let's say Filipino-made items or movies or the like. Pero kapag dating sa teleserye natin parang yung iba direng - dire and they generalize that there's no good stuff in National TV anymore. Hmmm.. kayo ha.. Kapag foreign artist manghang mangha kayo. Fan pa kayo. Pero kapag artista natin nandidiri kayo.
I agree and disagree. Agree at some point because YES there are shows talaga na hindi ko ma gets kung bakit pinapalabas. Like yung show sa tv5 na Face to Face.. Minsan iisipin mo bayad yang mga yan. Or who cares about their problems? Na tipong "what the hell?". And yes there are teleseryes na hindi talaga maganda ang plot. Minsan din hindi maganda ang mga linya o script. Minsan ang effects ng isang fantaserye ay nakakaapekto din sa tingin mo sa show. Pero ang madalas.. over-rated na and sobnrang predictable na ng mga nangyayari or mangyayari.
Over-rated kasi isipin nyo, madalas sa teleserye ang nagkahiwalay or pinaghiwalay ang magulang at anak. Pero sa liit ng mundo nila, ayon nagkikita at nagkikita. Or mahirap ang bida tapos biglang aangat sa buhay or yayaman tapos makakapaghiganti na. Singitan pa ng madaming twist yan. Pero kahit anong dami ng twist.. minsan talagang predictable padin.
I disagree sa sinasabi ng iba na there's no good stuff in national tv anymore, because there is. There are documentary shows and even adventure shows or teleseryes na I can say worth watching. I am not full-pledged kapamilya, kapatid nor kapuso but these three major channels that we have give good to great shows. Entertaining ika nga nila. Lahat na ata ng emotion. Masaya, sa mga feel good shows or sa mga noontime shows na nakakatulong sa kapwa.
Lungkot, sa mga docu shows na nagpapakita ng ndi magagandang nangyayari satin. Galit, na kadalasan nakukuha sa news at mga teleserye na nadadala tayo. Kasama na jan ang pagkaintense or pagkagulat at pagkabitin. Hehe.
Plus, maraming shows ang may magagaling na writers at director. Hand in hand yan I believe. Kasama nadin ang mga gumaganap. Kapag walang writer.. walang show na ipapalabas or ipproduce.. Ang direktor kelangan maiguide ang mga actors and actresses para maayos kada scene.. And actors and actresses kelangan magaling umarte para din madeliver ang tamang emotion every scene. Para makapagpalabas ng magandang show.
Also, some shows give stories that really happens. Docu, news, reality and teleseryes. Pero I wanna concentrate sa teleserye. Dati mga typical personas makikita sa isang primetime shows eh. Mga naaaping bida.. mga kontrabidang galit na galit lang talaga sa mundo at gusto maghari harian. Few years back or may be just a year or two, nauso ang mga kabit or 3rd party movies.. nasundan sa teleserye.. i'm sure madaming sumubaybay sa Legal Wife. I admit hindi ako, kasi hindi ko nasimulan pero I watched some eps. Plus ang kasama ko dito ay sa GMA nanunuod that time. Naiinis ang iba kasi daw ang mga shows ngayon tulad ng TLW parang "face palm" nalang sakanila. And then yung ngayon Ang Dalawang Mrs. Real ganun din. Actually, both stories are good. Sa TLW ending was okay lang but all in all magaling pagkakagawa ng TLW. It happens naman talaga to some.
Now this ADMR, it also happens. I congratulate pa nga the writers of these shows. Atleast, we admit that these kind of things happen in real life. Even the show Dading. May mga bakla or bading tayong friends na may anak and willing magkaanak. We are now open to these situations in life. And we show it to people because somebody somewhere may actually relate himself or herself to a character or to a story and it may actually help him or her kasi kahit papaano ang mga pinapalabas sa tv ay nagbibigay din ng moral lessons sa atin.
National TV air shows like those to simply entertain and educate/inform us. Produced and directed by our fellowmen. Ang hihilig natin sa foreign tv series pero bakit ayaw nating iopen ang isip natin sa shows na sariling atin?
I watched the episode in PowerHouse of GMA na ang guest nila ay si Ms. Teysie/Tessie Tomas. She mentioned that she is an artist and a writer. And to become a good artist or writer she needs and wants to watch all kinds of movies or shows whether good nor bad, boring or not, to develop the writer in her. Minsan kapag ndi maganda ang certain scene or ending, the creativity and writer in her kicks in and she rewrites the story on her own and appreciates them.
For me, in order to appreciate what is ours, we need to know most of what we have and see. If sawang sawa na kayo sa balita about gobyerno natin and how it sucks, why not watch other shows nalang that would entertain us. Just to set up the mood or balance it up. Let's start with ours. Don't act as if sobrang papangit ng mga show na ito na masuka suka kayo, kasi if pangit, bakit andaming nanunuod or sumusubaybay? Lahat ng klase ng tao I guess. Or you are just afraid to admit 'coz society thinks you're baduy or low-life or boring na tao just by watching them?
Oh well. Just me and what I think others think. No offense. Again, an opinionated me. Hoho.
Peace!
No comments:
Post a Comment